MANILA, Philippines Sinabi ng Land Transportation Office nitong Miyerkules na natukoy na ang may-ari ng sports utility vehicle na isang protocol plate no. 7, na ilegal na gumamit ng EDSA Busway noong weekend.
Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na ang sasakyan ay nakarehistro sa ilalim ng Orient Pacific Corporation.
Humingi ng paumanhin ang driver nito na kinilalang si Angelo Edpan sa nangyaring paglabag sa trapiko noong Nobyembre 3 na nag-viral sa social media.
“Ako po ay nagkasala sa paglabag sa regulasyon na pumasok po ako sa EDSA [Busway]… Ako po ay humihingi ng pasensya… Hindi ko po ninais na masakit sa enforcer na pumara sa akin,” aniya sa isang press conference.
Makikipagtulungan ang Orient Pacific Corporation sa imbestigasyon ng LTO, sabi ng kinatawan nito.
Ang 7 plate ay nakalaan para sa mga senador. Ngunit nauna nang sinabi ng LTO na walang senador na may rehistradong Cadillac Escalade na katulad ng ilegal na gumamit ng EDSA busway. RNT