Home NATIONWIDE 10 pang Pinoy mula Cambodia ni-repatriate

10 pang Pinoy mula Cambodia ni-repatriate

MANILA, Philippines – Sampung Pilipino mula sa Oddar Meanchey Province, Cambodia, ang ligtas na naibalik sa bansa nitong Linggo, Abril 20, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang repatriation ay isinagawa sa tulong ng Philippine Embassy sa Phnom Penh at ng mga awtoridad ng Cambodia.

Ito ay kasunod ng naunang repatriation ng 26 Pilipino mula sa parehong lugar. Bagamat hindi pa malinaw kung sila ay biktima ng human trafficking, muling nagpaalala ang DFA laban sa mapanlinlang na online job offers.

Sinalubong ang mga repatriates sa NAIA Terminal 1 ng DFA, DMW, OWWA, at IACAT. Pinondohan ng Embassy ang repatriation sa pamamagitan ng ATN Fund at nagpasalamat sa pamahalaan ng Cambodia sa tulong nito. RNT