Home METRO Sunog sumiklab sa residential-commercial building sa Maynila

Sunog sumiklab sa residential-commercial building sa Maynila

MANILA, Philippines – Nasunog ang isang tatlong palapag na gusaling tirahan at kalakalan sa Bambang Street, Barangay 317, Sta. Cruz sa Maynila ngayong umaga ng Linggo, Abril 20.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang rumesponde ang mga bumbero alas-10:58 ng umaga at agad na itinaas sa second alarm pagsapit ng alas-11:03.

Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Bambang Street habang inaapula ang apoy. Inaalam pa ang sanhi ng sunog. RNT