Home NATIONWIDE Pangangampanya ng 4 kandidato sa Mahal na Araw tatalupan ng Comelec

Pangangampanya ng 4 kandidato sa Mahal na Araw tatalupan ng Comelec

0
Pangangampanya ng 4 kandidato sa Mahal na Araw tatalupan ng Comelec

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng imbestigasyon ang Comelec laban sa apat na kandidato na umano’y nangampanya noong Huwebes Santo at Biyernes Santo, bagay na labag sa itinakdang campaign ban.

Ayon kay Comelec Chair George Garcia, maraming netizen ang nag-ulat ng nasabing mga paglabag, partikular sa paggamit ng social media para sa kampanya.

“Noong Huwebes at Biyernes, meron tayong mga na-monitor,” ani Garcia sa interbyu sa radyo. “Yan ang kaagad nating patitignan at aalamin sa ating mga local Comelec sapagkat may bago kasi tayong pamamaraan syempre ng pangangampanya.”

“Naglatag po talaga [ang] madaming kandidato sa social media naman. ‘Yun bang kanilang mga social media accounts, doon talaga sila nagpakilala nang sobra. So ang katanungan ay kung ‘yan ba ay paglabag sa ating pinagbabawal na bawal mangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo,” aniya pa.

Sinabi rin ni Garcia na iimbestigahan nila ang umano’y vote-buying sa Quezon City kung saan namigay umano ng mga ATM-like cards.

Ang mga lalabag ay maaaring maharap sa kasong election offense ayon sa Omnibus Election Code. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here