Bulacan – Sakaling payagan ng Commission on Elections (COMELEC) ay agad ipasususpindi ni Governor Daniel Fernando ang provincial warden at mga jail guards na sangkot sa dalawang Person Deprived of Liberty (PDL) na umanoy “labas-pasok” sa provincial jail na naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinabi ni Fernando nang makapanayam ang ilang mamamahayag nitong Miyerkules, Abril 16 ang ganito: ” dahil sa panahon ngayon ng eleksyon kaya humingi tayo ng clearance sa COMELEC.”
“Kapag po tayo ay pinayagan ng COMELEC, immediately ipapa-suspend ko ang mga yan at ayaw ko po ng ganyan sa totoo lang. At ini-involve nila ako d’yan, wala po akong alam, sa totoo lang” Ani ni Fernando.
Binigyang diin ng gobernador na hindi niya kinukunsinti ang mga ganitong aksyon dahil labag ito at tahasang paglabag sa batas.
Sa ulat ng CIDG ang dalawang inmate na si Abdua Arajalon, dating miyembro ng SWAT, kilalang “mayor” na nakakulong mula Oktubre 2019 sa kasong murder at Mario San Jose na “tserman ng Brgy.11” sa loob ng piitan sa kasong Homicide na kapwa lulan ng Toyota Hilux ay nahuli ng mga tauhan ng CIDG nitong Linggo, Abril 13 sa Brgy. Dakila, Malolos na walang legal na permiso o utos ng korte.
Kasamang nahuli ng CIDG ang Jail Guard na si Tee- Jay Jimenez at asawa ni Arajalon na si Sarah ng mga oras na iyon na umanoy kasabwat sa iligal na paglabas ng mga inmate.
Narekober sa operasyon ang Cal. 45 pistol na may magazine, anim na bala at 9mm Glock pisto, magazin na may siyam na bala na kalaunay sumailalim sa inquest proceedings ang mga inmate.
Nabatid na ilang linggong naka-surveilance ang galaw ng mga high-profile detainees o mga kilalang “VIPs” na umanoy napaulat na labas-pasok sa naturang piitan.ayon sa CIDG.
Kaugnay nito, hinimok ng mga concerned citizen ang mga awtoridad na suriin ang mga CCTV footage sa loob at labas ng piitan at magkaroon ng malalimang imbestigasyon para matukoy ang mga nasasangkot. (Dick Mirasol III)