Home NATIONWIDE 10 pasahero ng nasiraang motorbanca sa Romblon, nasagip

10 pasahero ng nasiraang motorbanca sa Romblon, nasagip

MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) ang sampung pasahero ng nasiraang motorbanca sa karagatan sakop ng Barangay Agojo, Looc, Romblon .

Ayon sa PCG, patungong Caticlan Port sa Malay, Aklan ang MBCA Jedidiah 2 mula Looc Pier nang mabali ang propeller shaft dahilan para ito ay maanod kamakalawa.

Matapos makatanggap ng tawag kaugnay sa insidente, agad na naglunsad ng search and rescue operation ang PCG at MDRRMO.

Tiniyak ng dalawang ahensya na ligtas ang lahat ng pasahero kasama ang boat operator habang hinila ng MB Gezel Kelvin ang nasiraang motorbanca patungong Looc Pier para sa kinakailangang pagkukumpuni.

Sa ngayon , sinabi ng PCG na nakabalik na sa kani-kanilang pamilya ang lahat ng mga nasagip na pasahero nang nasa maayos na kondisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleIllegal recruiter sa Dagupan, arestado sa Pasay
Next article9 araw na pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc, nakumpleto na