Home NATIONWIDE 9 araw na pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc, nakumpleto na

9 araw na pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc, nakumpleto na

MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng 97-meter Philippine Coast Guard (PCG) vessel, BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), ang siyam na araw na pagpapatrolya sa Bajo De Masinloc (BDM).

Noong Pebrero 1, inatasan ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, vessel deployment upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Sa buong misyon, binabantayan ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ang presensya ng apat na Chinese Coast Guard (CCG) vessels na may bow number na 3105, 3302, 3063, at 3064.

Naobserbahan din nito ang presensya ng apat na Chinese Maritime Militia Vessels.

Nakipag-ugnayan ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa mga barkong pandagat ng China sa pamamagitan ng radyo, na inuulit ang malinaw at may prinsipyong posisyon ng Pilipinas alinsunod sa internasyonal na batas.

Samantala, nagbigay suporta rin ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa mahigit over 100 Filipino fishermen na sakay ng 14 Filipino fishing boats.

Nagbigay ang coast guard crew ng food packs at groceries upang tulongan ang mga mangingisda sa mahabang traditional fishing activities sa BDM. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article10 pasahero ng nasiraang motorbanca sa Romblon, nasagip
Next articleEconomic experts, business groups imbitado sa Cha-cha hearing ng Senado– Angara