Home NATIONWIDE 10 priority bills ni Bong Go inihain

10 priority bills ni Bong Go inihain

MANILA, Philippines – KULANG NA KULANG ang inaprubahang P50 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ito ang iginiit ni Senador Christopher Bong Go kasabay ng panawagan ng agarang pagtugon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na patuloy na nagpapahirap sa mga ordinaryong manggagawa.

Muli ring iginiit ni Go na napapanahon nang isabatas ang panukalang P100 legislated wage hike na kasama sa mga priority bills na kanyang inihain sa unang araw ng 20th Congress.

Iginiit ng senador na bawat piso, bawat sentimo ay napakahalaga kaya dapat taasan na ang sahod.

Panawagan din ni Go sa mga kapwa mambabatas na agad nang ipasa ang panukala upang maramdaman ng tao ang tulong sa kanila ng gobyerno.

Nangako ang senador na susuportahan ang wage hike at mga pro-poor programs na dapat ang mga ordinaryong Pilipino ang makikinabang.

Inihain din ni Go ang mga sumusunod:

1. Expand Tertiary Education Subsidy
2. PhilHealth ID Health Card
3. Regionalize the National Academy of Sports
4. New Medical Technology Law
5. Department of Disaster Resilience
6. Indigent jobseekers assistance
7. Across-the-board wage hike
8. Mental Health Offices in SUCs
9. Rural Employment Assistance or TUPAD Bill
10. Magna Carta for Barangays

RNT