Home METRO Palasyo kay VP Sara: “Ang kakulangan po sa kaalaman sa batas, sa...

Palasyo kay VP Sara: “Ang kakulangan po sa kaalaman sa batas, sa ethical standards ay hindi po maikukubli sa pagmumura o pang-iinsulto”

235
0

MANILA, Philippines – Muling binatikos ng Malacañang si Bise Presidente Sara Duterte kaugnay ng kanyang personal na biyahe kamakailan sa Australia, partikular na sa pagtawag niya sa administrasyon bilang tanga sa pagtatanong kung personal nga o opisyal ang kanyang naging biyahe.

“Ang kakulangan po sa kaalaman sa batas, sa ethical standards ay hindi po maikukubli sa pagmumura o pang-iinsulto” ayon kay Palace Press Officer and Communications Undersecretary Claire Castro.

Iginiit ni Castro na dapat iulat ni Duterte ang kanyang accomplishment sa mga tao matapos sabihin na nagtatrabaho pa siya sa kanyang personal na biyahe sa Australia.

Ayon naman kay Duterte, wala siyang obligasyon na sabihin sa publiko ang tungkol sa kanyang personal na paglalakbay; na ang mga pampublikong opisyal, na naka-leave para sa mga personal na biyahe at hindi gumagamit ng pera ng gobyerno, ay hindi kailangang magbunyag ng anuman sa publiko.

“Simple lang naman po, bakasyon o trabaho. Siya naman po ang nagbanggit na trabaho, nagtatrabaho not on a holiday. So, kapag nagtrabaho, dala ang posisyon, dala ang bandera ng Pilipinas, may official functions.” ani Castro.

Binanggit din ng palasyo ang Republic Act 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

“Public office is a public trust,” ayon kay Castro.

“So, dapat ipalaam ano ang naging magandang resulta sa pagtatrabaho. Kung walang mai-report baka, baka walang natrabaho,” dagdag niya.

Binanggit din ng PCO executive ang kaugalian ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang obligasyon na ibigay sa publiko ang kanyang post-trip reports, na sa tuwing aalis siya ng bansa, nagbabalik siya ng magandang balita at nagpapatibay ng relasyon sa iba’t ibang pinuno.

“Isa dito ay ang pagsagip sa buhay ni Mary Jane Veloso dahil sa magandang relasyon sa Indonesia; ang pagpapauwi, pagpapabalik ng dating mambabatas na si Arnulfo Teves; pati na po ang mabilis na pagpapabalik kay Alice Guo; at sa Japan, inaangat ang turismo ng Pilipinas – iyan po ang trabaho na dapat ipagmalaki kung talagang nagtrabaho,” sabi ni Castro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here