Home METRO 10 sa 16 barangay sa Antipolo may kaso ng pertussis

10 sa 16 barangay sa Antipolo may kaso ng pertussis

MANILA, Philippines — Naitala ang pagkalat ng pertussis o whooping cough sa 10 mula sa 16 barangay sa Antipoloco City.

Sa pahayag ni Mayor Jun Ynares, 13 na ang kaso ng pertussis sa Antipolo City, kung saan karamihan sa mga nasapul ay mga bata.

Sa nasabing bilang, anim dito ay kumpirmado habang nasa pitong kaso ang suspected.

Sa kabila ng pagdami ng mga kaso ng pertussis, hindi pa magdedeklara si Ynares ng outbreak.

Anang alkalde na ipinauubaya niya ito sa Department of Health.

Sa kabila nito, tiniyak ng alkalde na patuloy ang pag-iikot ng kanilang city health officer para magbigay ng gamot at magbakuna at kontrolado ang sitwasyon sa syudad. RNT