Home METRO Cavite-Laguna expressway ginawang tapunan ng chop-chop na katawan ng tao!

Cavite-Laguna expressway ginawang tapunan ng chop-chop na katawan ng tao!

PINANINIWALAAN na natagpuang na ang buong bahagi ng katawan ng isang human torso nang narekober na ang kamay at paa na naagnas na sa Brgy Kaong ng Cavite Laguna South Luzon Expressway Silang, Cavite.

Sa report ng pulisya, dakong alas-11:50 ng gabi nang natagpuan ang isang naagnas nang bahagi ng kamay at paa ng isang tao sa daanan ng tubig malapit sa Kaong Exit ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX.

Matatandaan na magkahiwalay na natagpuan noong nakaraang March 19 dakong 2,:30 ng hapon nang matgpuan ang human torso at March 23 dakong 6:40 ng gabi
nang natagpuan ang na-agnas ng sang putol na binti at ulo sa Km Post Westbound ng CALAX ng nasabing lugar.

Hindi naman nagtagal ay kinilala ng mga kaanak ang bangkay na isang 23-anyos na lalaki mula sa Quezon City dahil sa tattoo sa kanyang kaliwang dibdib.

Ayon sa kaanak ng biktima, dalawang linggo na umano nilang hinahanap na sinasabi ring nasangkot sa kaso ng illegal na droga.

Patuloy na Inaalam ng pulisya kung ang natagpuang putol na hita at kamay ay bahagi ng katawan ng 23-anyos na lalaki na unang natagpuan sa west bound ng CALAX. Margie Bautista