CEBU CITY – Nasakote ng pulisya ang dalawang lalaki nitong Martes ng gabi, Abril 2, matapos makuhanan ng P3.4 milyon ang hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust sa bayan ng Minglanilla.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina security guard na si Selfredo Silva alyas “Odo”, 48; at construction worker na si Elmer Bucog, 47, arestado sa Purok Tugas, Barangay Ward 2.
Nakuha mula sa kanila ang limang pakete at pitong sachet ng hinihinalang shabu sa loob ng isang itim na bag, na pawang tumitimbang ng mahigit kalahating kilo na nagkakahalaga ng P3,406,800.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang pinagmulan ng mga nasabat na droga sa mga suspek, na nakakulong ngayon sa Minglanilla detention cell. RNT