UNITED STATES – Sugatan ang 10 katao sa nangyaring mass shooting sa New York City sa mismong araw ng Bagong Taon, ayon kay NYPD chief Philip Rivera nitong Huwebes, Enero 2.
Kabilang sa mga sugatan ay ang anim na babae at apat na lalaki na nasa labas ng isang private events club nitong Miyerkules ng gabi.
Nangyari ang insidente nang magpaulan ng bala ng baril ang nasa tatlo hanggang apat na lalaki sa mga taong nasa labas ng club.
Inalis ng pulisya ang posibilidad ng terrorist attack.
Ang insidente ay kasunod lamang ng dalawa iba pang pag-atake sa US nitong Bagong Taon.
Sa New Orleans, inararo ng isang trak ang mga taong nasa gilid ng kalsada na kumitil sa buhay ng 15 katao.
Sa Las Vegas naman ay sumabog ang isang Tesla truck sa labas ng Trump Hotel sa Las Vegas, na kumitil naman sa buhay ng isang indibidwal. RNT/JGC