UNITED STATES – Dalawa ang nasawi habang 15 ang sugatan nang bumagsak ang isang maliit na eroplano sa bubong ng furniture warehouse sa Southern California nitong Huwebes, Enero 2.
Sa aerial footage ay makikita ang makapal na usok na lumalabas mula sa butas ng bubong ng isang warehouse kung saan bumagsak ang naturang eroplano.
Nangyari ang insidente bandang 2:15 ng hapon.
Ayon sa Federal Aviation Administration, ang eroplano ay isang single-engine Van RV-10. RNT/JGC