Home METRO 2 pulis bugbog-sarado sa 2 kelot

2 pulis bugbog-sarado sa 2 kelot

CAPIZ- Sugat at pasa ang tinamo ng dalawang pulis matapos mabangga ng tricycle at bugbugin ng dalawang kelot sa gitna ng New Year’s Eve, iniulat kahapon sa bayan ng Jamindan.

Kinilala ang mga biktimang sina Police Staff Sgt. Ezequias R. Villeza at Police Corporal Apolonio L. Llait Jr. kapwa ng kasapi ng Jamindan Municipal Police Station (MPS).

Kinilala naman ni Police Lieutenant Liberato Cagampang Jr., hepe ng Jamindan MPS, ang mga nadakip na suspek na sina Mark Jason Javier Cano,22, at Joah Osita Villasis, 24, kapwa residente ng Barangay Esperanza, ng nasabing bayan.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-12:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Smith Sts. at San Cruz St. Poblacion, Jamindan Capiz.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapatrolya ang mga biktima sa nasabing lugar para maging maiwasan ang aksidente dahil mga fireworks at putukan sa kalagitnaan ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Bigla na lamang humaharurot ang motorsiklo na minamaneho ni Villasis dahilan para mabangga nito si Llait hanggang sa gumulong sa kalsada.

Tinangkang tumakas ng mga suspek subalit hinarang sila ni Villeza para imbitahan sa kanilang istasyon subalit habang pagdating sa tapat ng police station bigla na lamang nagpumiglas ang mga suspek at pinagsusuntok ang mga pulis na nauwi sa rambulan.

Naawat lamang ang mga suspek makaraang arestuhin na ang mga ito ng mga kasamahan ng mga biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injury, Direct Assault, at Resisting Arrest sina Cano at Villasis. Mary Anne Sapico