MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 1,442 na kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, dahilan para tumaas ang nationwide tally sa 4,145,792.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) ay nagpakita na ang bilang ng aktibong impeksyon ay bumaba sa 14,888 mula sa Huwebes na 15,418.
Samantala, tumaas ng 1,961 ang kabuuang recoveries sa 4064,428.
Sampung bagong pagkamatay naman ang naitala kaya tumaas sa 66,476 ang total death toll.
Iniulat ng Metro Manila ang pinakamataas na bilang ng pagtaas ng COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw na may 6,941. Sinundan ito ng Calabarzon na may 4,672; Central Luzon na may 2,393; Kanlurang Visayas na may 1,583; at Cagayan Valley na may 878.
Ang bed occupancy ng bansa ay nanatiling nasa mababang panganib na may 21.2%.