Home METRO 10 tiklo sa pagbebenta ng illegal firecrackers online

10 tiklo sa pagbebenta ng illegal firecrackers online

MANILA, Philippines- May kabuuang 10 indibidwal na ang naaresto sa pagbebenta ng ilegal na paputok online, ayon sa Philippine National Police (PNP) – Anti-Cybercrime Group (ACG) nitong Huwebes.

Mula Disyembre 6 hanggang 26, sinabi ng ACG na nagsagawa ito ng walong operasyon na nagresulta sa pagkakasabat sa illegal firecrackers na nagkakahalaga ng kabuuang P76,400.

Narito ang mga nakumpiskang illegal firecrackers:

  • 185 piraso ng kingkong

  • 211 piraso ng atomic bomb

  • 2,500 piraso ng pop pop

  • 220 piraso ng kwitis

  • 1 piraso ng fountain

  • 1 piraso ng Judas’ belt (1000 rounds)

  • 4 piraso ng Judas’ belt (100 rounds)

  • 50 piraso ng whistle bomb

  • 300 piraso ng five star

  • 50 piraso ng pastillas

  • 174 piraso ng kabase

  • 60 piraso ng tuna

  • 2 piraso ng Goodbye Philippines

  • 52 kahon ng piccolo

  • 1,734 piraso ng pla pla

  • 200 piraso ng three star

  • 100 piraso ng sparkle

  • 12 piraso ng small luis

  • 20 piraso ng five colors

  • 20 piraso ng dynamite

  • 20 piraso ng yakult

  • 5 piraso ng crying cow

Sa pinakahuling entrapment operation, inihayag ng ACG na dalawang suspek na kinilalang sina “Rico” at “Chris” ang nadakip sa San Fernando, Pampanga noong Disyembre 23.

Nagsagawa ang mga pulis ng cyber patrol sa “Online Paputok & Pailaw” Facebook page kung saan natuklasang nagbebenta ang dalawa ng mga paputok.

Nasamsam mula sa kanila ang 15 piraso ng pla pla, 10 bundles ng kabase, 27 piraso ng giant atomic bomb, at 174 piraso ng small atomic bomb worth na nagkakahalaga ng kabuuang P60,000.

Noong Lunes, nagbabala ang PNP sa store owners laban sa pagbebenta ng illegal firecrackers.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na maaaring maharap ang mahuhuling store owners sa kanselasyon ng kanilang permits at pagkumpiska sa kanilang mga paninda. RNT/SA