Home NATIONWIDE China sa Pinas: ‘Peaceful development’ muling ikasa

China sa Pinas: ‘Peaceful development’ muling ikasa

BEIJING- Hinikayat ng foreign ministry ng China ang Pilipinas nitong Huwebes na bumalik sa “peaceful development,” sa pagsasabing ang desisyon ng Manila na mag-deploy ng U.S. medium-range missile system sa military exercises ay magdudulot lamang ng banta ng arms race sa rehiyon.

Idineploy ang U.S. Typhon system, pwedeng lagyan ng cruise missiles na kayang tamaan ang Chinese targets, para sa joint exercises nitong taon.

Nitong Martes, sinabi ni Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro na ang deployment ng Typhon para sa joint exercises ay “legitimate, legal and beyond reproach.” Inihayag naman ni Army chief Roy Galido noong Lunes na balak din ng Pilipinas na bumili ng sarili nitong mid-range missile system.

Umigting ang alitan sa pagitan ng China at ng Pilipinas sa mga nakalipas na taon dahil sa pag-aagawan sa mga teritoryo sa South China Sea. Pinalalim naman ng matagal nang magkaalyado na Manila at Washington ang military ties nito, na dumagdag sa tensyon.

“By cooperating with the United States in the introduction of Typhon, the Philippine side has surrendered its own security and national defence to others and introduced the risk of geopolitical confrontation and an arms race in the region, posing a substantial threat to regional peace and security,” pahayag ni Mao Ning, tagapagsalita sa China’s foreign ministry.

“We once again advise the Philippine side that the only correct choice for safeguarding its security is to adhere to strategic autonomy, good neighbourliness and peaceful development,” ani Mao sa isang regular press conference.

Hindi naman agad naglabas ng komento ang Philippine embassy sa Beijing ukold ito.

Wala pa ring tugon ang Malacañang, Department of Foreign Affairs, Department of National Defense, at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa mga pahayag ng Chinese foreign ministry.

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea, kung saan ilang Southeast Asian countries din ang mga claims kabilang ang Pilipinas. RNT/SA