Home NATIONWIDE Final walkthrough isinagawa sa ruta ng Traslacion

Final walkthrough isinagawa sa ruta ng Traslacion

MANILA, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na magiging maayos ang daraanan ng ruta ng Traslacion sa Enero 9, 2025.

Ito ay makaraang magsagawa ng final walkthrough sa pangunguna ni MPD Director Gen. Arnold Thomas Ibay ngayong umaga, Disyembre 27.

Partikular na ininspeksyon at tinignan ng MPD kung naalis na ang ilang mga sagabal sa ruta ng prusisyon ng Poong Jesus Nazareno para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto.

Kasama sa final walkthrough ang mga Hijos del Nazareno at prayer station coordinator, mga tauhan ng Traffic Unit and Road safety Units, Bureau of Fire Protection, DPWH, Segment Supervisors, Segment Leaders, Assistant Team leaders, Traffic Endorcement Unit, Manila City Engineering at Manila Traffic and Parking Bureau.

Isinasagawa ang walkthrough at inspeksyon sa ruta na maaaring daanan ng prusisyon ng Traslacion ng Nazareno dahil inaasahang milyong deboto ang sasama sa nasabing aktibidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden