Home METRO QC LGU traffic advisory sa sa Dis. 31 inilatag

QC LGU traffic advisory sa sa Dis. 31 inilatag

MANILA, Philippines- Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City nitong Huwebes ang mga motorista ukol sa trapiko sa kahabaan ng Elliptical Road sa Martes, Disyembre 31 dahil sa inaasahang bilang ng dadalo sa pagdiriwang ng lungsod ng Bagong Taon sa Quezon City Memorial Circle.

Sinabi ng LGU na magsisimula ang countdown event ng alas-4 ng hapon, kaya naman pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

“Elliptical Road/PCA and QC Hall Gate 1 and 2 will be used by pedestrians once the underground walkway is full,” saad sa abiso.

Gayundin, inilahad ng city government ang designated parking areas:

  • Quezon City Hall

  • Quezon Memorial Circle

  • Mayaman Street

  • Matalino Street

  • Sen. Miriam Defensor Santiago Avenue

  • North Avenue/QMR

  • Elliptical Road Inner Lane (Diagonal Parking)

“Diagonal Parking along Elliptical Road will be used once all parking slots are occupied/full,” batay sa abiso.

Tiniyak ng QC LGU na nakatalaga ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department at ng Department of Public Order and Safety upang pangasiwaan ang maayos na daloy ng trapiko sa pagdiriwang sa susunod na linggo. RNT/SA