Home ENTERTAINMENT Paolo, umamin sa naging jowa na beauty queen!

Paolo, umamin sa naging jowa na beauty queen!

Manila, Philippines – Nagbalik-tanaw si Paolo Gumabao sa kanyang pinagdaanan bago pa man siya nakilala sa showbiz.

Aniya, growing up, mas close raw siya sa kanyang stepfather kesa sa kanyang amang si Dennis Roldan.

Sumalang din daw siya sa iba’t-ibang uri ng panghuhusga nang ma-convict ang ama dahil sa kidnapping charges na pinaniniwalaan niyang hindi totoo.

Tulad ng kanyang biological father, may mga ugali raw siyang namana sa ama katulad ng pagiging stubborn.

Naging daan din daw ang krisis na pinagdaanan nila para maging malapit silang magkakapatid.

Hindi rin niya ikinaila na nagkadyowa siya ng isang beauty queen na hindi niya ini-reveal ang pangalan.

Gayunpaman, hindi raw nagtagal ang relasyon nila dahil ipinagpalit siya nito sa iba na kanya raw dinamdam.

Sa panayam ni Morly Alinio sa vlog nito, inamin din niya na matagal siya nag-struggle sa showbiz bago pa man siya nabigyan ng malaking break o nakapagbida.

Hindi rin naging big deal sa kanya ang paghuhubad dahil bahagi raw ito ng kanyang journey as an actor.

Never din daw siyang nakatanggap ng indecent proposal from gays o maging sa mga matrona. Archie Liao