Home NATIONWIDE P1.2M 6D Lotto jackpot pinaghatian ng 2 mananaya; major lotto jackpots mailap

P1.2M 6D Lotto jackpot pinaghatian ng 2 mananaya; major lotto jackpots mailap

MANILA, Philippines- Dalawang mananaya ang nanalo ng P1.2 milyong 6D Lotto jackpot prize habang wala pa ring nagwagi sa major lotto jackpot draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes.

Nahulaan ng mga nanalo ang 7-3-9-0-4-7 combination para sa 6D Lotto na may premyong P1,207,628.

Wala namang nakahula ng tamang kombinasyon na 46-33-45-23-31-01 para sa Superlotto 6/49 na may jackpot prize na P15,840,000.

Ang Lotto 6/42 jackpot prize na P16,891,422.80 ay hindi rin napanalunan nang walang nakahula sa 05-12-23-19-34-25. RNT/SA