MANILA, Philippines – Naitala ang 10 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na araw.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Abril 24, ang volcanic earthquakes ay naitala mula alas-12 ng hatinggabi ng Abril 23 hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Abril 24.
Sa kaparehong panahon ay nagbuga rin ang bulkan ng mahigit 2,700 tonelada ng sulfur dioxide, at plum na umabot sa taas na 150 metro.
Dahil dito ay nananatili sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC