Home NATIONWIDE Sundalo sugatan sa engkwentro sa hinihinalang miyembro ng NPA sa Quezon

Sundalo sugatan sa engkwentro sa hinihinalang miyembro ng NPA sa Quezon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang sundalo ng Philippine Army sa engkwentro na naganap nitong Miyerkules, Abril 23 sa hinihinalang mga rebeldeng New People’s Army sa Real, Quezon.

Sa ulat, kinilala ng Quezon police ang sugatang sundalo na si alyas “Marco,” isang private first class, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kaliwang kamay.

Sinabi sa report na nagsasagawa ng security patrol ang unit mula sa 80th Infantry Battalion ng Philippine Army 6:20 ng umaga nang makaengkwentro nito ang nasa 10 armadong rebelde sa Barangay Tagumpay.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang report ngunit sinabi na may mga rebelde ring nasugatan sa engkwentro.

Inilatag na ang military checkpoints sa iba’t ibang lugar para tugisin ang mga tumakas na rebelde. RNT/JGC