MANILA, Philippines – Sinabi ng National Housing Authority (NHA) na tutulungan ng ahensya ang mga delinguent housing borrowers na may ilang taon nang hindi nakababayad ng monthly amortization.
Ayon kay NHA general manager Joeben Tai ay isang hakbang ng ahensya kaalinsabay ng ika-50th charter anniversary ng NHA sa July 31.
Nabatid pa sa NHA manager na may 100 percent condonation ang NHA para sa penalty sa housing loan at 95 percent condonation sa interest sa utang sa Pabahay.
Idinagdag pa ni Tai na may 220 delinquent housing borrowers aniya ang makikinabang sa condonation na kaloob ng NHA na magsisimula sa Mayo 1 hanggang Otubre 31 ngayong taon.
“Tinatayang aabot sa P3.7 bilyon ang iko condone namin at kung sa loob ng condonation program ay hindi pa rin sila makakabayad after October 31 ay pag aaralan ng ahensiya kung anu pa ahg maitutulong sa kanila,” pahayag ni GM Tai.
Sinabi pa ni Tai na bawat bahay aniya ng NHA ay may halagang P500,000 hanggang P600,000, may 40 square meters na lawak ng bahay.
Kaugnay nito, target ng NHA na makapagtayo ng 100,000 na pabahay ngayong 2025. Nasa 1.2 milyong bahay na ang naitayo ng NHA sa loob ng 50 taon ng ahensiya. Santi Celario