Bulacan – Nasa P10,359,157.16 halaga ng iligal na droga ang nasamsam at 194 indibidwal ang naaresto sa ikinasang buy-bust ng pulisya sa Central Luzon, kabilang ang lalawigang ito.
Sa report kay Region 3 Police director PBGEN Jean Fajardo, naaresto sa operasyon ang 194 pinaghihinalaang tulak mula sa ibat-ibang lalawigan sa nabanggit na rehiyon.
Ayon sa report, umabot sa 128 ang ikinasang buy-bust operation ng pulisya simula Marso 31 hanggang Abril 6 ng pulisya.
Nabatid na nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 1,521.14 gramo ng shabu at 128,33 grams ng Marijuana na may halagang P10,359,157.16.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek habang nakakulong sa istasyon o yunit na humuli sa kanila. Dick Mirasol III