MANILA, Philippines – Posibleng dumating sa susunod na taon ang mga F-16 fighter jet na planong bilhin ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.
Matatandaan na inaprubahan ng US State Department noongn nakaraang linggo ang posibleng pagbebenta ng 20 F-16C/D Block 70/72 fighters at munitions sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $5.58 bilyon o nasa P320 bilyon.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ang offer ay may kasamang financing package na pag-uusapan ng mga opisyal mula sa US at Department of National Defense at Philippine Air Force (PAF).
Kasalukuyang ginagamit ng PAF ang 11 South Korean-built light combat aircraft matapos nitong iretiro ang nalalabing mga fighter noong 2005 dahil sa magastos na maintenance. RNT/JGC