MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes na nagsagawa ang pamahalaan ng halos 100 job fair sa buong bansa upang tulungan ang mga Pilipinong nawalan o naapektuhan ang trabaho dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan at pagtaas ng presyo ng langis.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address, sinabi ni Marcos na umabot sa humigit-kumulang 300,000 trabaho ang inialok sa mga job fair noong Labor Day.
“Hence, we organized job fairs nationwide. On May 1, Labor Day and the height of soaring fuel prices, the government conducted around 100 job fairs with around 300,000 job openings,” dagdag pa ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, mahigit 6,000 aplikante ang agad na natanggap sa trabaho sa isinagawang mga job fair.
Idinagdag ni Marcos na mahigit 100,000 benepisyaryo at manggagawa ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program ng Department of Labor and Employment at ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program. RNT