Home METRO 100 kilong karne ng pating, narekober sa Cagayan

100 kilong karne ng pating, narekober sa Cagayan

1
0

APARRI, Cagayan – Halos mahigit 100 kilo ng hiniwang karne ng pating ang narekober ng mga awtoridad sa Aparri, Cagayan.

Ayon sa Philippine Coast Guard District North Eastern Luzon, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa ilegal na aktibidad ng pangingisda sa Veterans Wharf sa Barangay Macanaya.

Agad naman silang rumesponde kasama mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Narekober ang isang inabandonang cooler box na naglalaman ng tinatayang 100 kilo ng karne ng pating.

Ayon pa sa ulat, ang mga pating ay nahuli sa katubigan sa paligid ng Sitio LaUnionan.

Maayos na idinokumento ng BFAR ang nakuhang karne ng pating bago ito itinapon sa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya at alinsunod sa mga umiiral na pamamaraan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy  ang imbestigasyon upang matukoy ang mga indibidwal sa iresponsable sa pagkatay ng pating. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here