MANILA, Philippines- Nasa 100 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang pumasok sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Buhangin District, Davao City nitong Huwebes ng umaga, base sa ulat.
Nasa compound ang PNP personnel sa ika-anim na araw na upang isilbi ang warrants of arrest kay Apollo Quiboloy at apat na co-accused para sa iba’t ibang kaso.
Nagdala rin ang PNP ng long-range acoustic device o LRAD, isang aparato na nagpo-prodyus ng malakas na tunog para sa komunikasyon sa malayong distansya.
Iniulat ni Abrigana na karaniwang ginagamit ito sa maritime at perimeter security maging pamamaraan ng crowd control. RNT/SA