MANILA, Philippines- Naniniwala ang National Maritime Council (NMC) na panahon na para rebisahin ng Pilipinas at Estadaos Unidos ang kanilang mahigit sa seven-decades-old Mutual Defense Treaty (MDT) upang maging ‘responsive’ ito sa modernong security landscape.
Ang MDT, nilagdaan noong 1951, ay nagdidikta na dapat suportahan ng Pilipinas at Estados Unidos ang isa’t isa sakaling atakihin ng external party.
Sinabi ni NMC spokesperson Alexander Lopez, maaaring bisitahin ang defense pact upang ito’y maging “relevant to the new security challenges.”
“Sa atin lang, 1951 pa ‘yung Mutual Defense Treaty. Since then, the strategic landscape has changed so much. So, maybe it’s high time now to make the review,” pahayag ni Lopez sa isang panayam.
Samantala, pinabulaanan naman ni Lopez ang sinabi ng Tsina na tinulungan ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang Filipino personnel na nahulog sa barko kasunod ng insidente sa Escoda Shoal noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Lopez, may ebidensya aniya ang Philippine Coast Guard (PCG) na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel, ang BRP Datu Sanday, ay nakaranas ng agresibo at mapanganib na pagmamaniobra mula sa multiple CCG vessels habang patungo sa Escoda Shoal, isang coral reef formation 70 nautical miles ang layo sa mainland Palawan at nasa ilalim sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Itinanggi rin nito na sinadyang banggain ng BRP Datu Sanday ang CCG vessels gaya ng gustong palabasin ng Tsina.
“Nobody is buying that narrative. Kasi ang kanilang audience is basically domestic, samantalang tayo ay factual (Their audience are just their people while us, our basis are factual accounts) and we are even appreciative of the response of the international community condemning the harsh actions, aggressive actions, life threatening actions perpetrated by the Coast Guard vessels,” ayon kay Lopez.
Giit ng NMC, hindi makakayang banggain at simulan ng BRP Datu Sanday ang gulo, isang mas maliit na vessel at labanan ang mga itinalagang naglalakihang barko ng CCG. Kris Jose