Home NATIONWIDE MRT-7 to partial ops aarangkada sa 2025

MRT-7 to partial ops aarangkada sa 2025

MANILA, Philippines- Nakatakdang gumulong ang partial operations ng Metro Rail Transit (MRT) Line 7 stations sa Quezon City sa huling bahagi ng 2025, base sa Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Jeremy Regino na magiging handa ang North Avenue station hanggang Quirino station para sa mga mananakay sa 2025.

“Magkakaroon na po tayo ng partial operations next year po,” ani Regino sa DOTr 2025 budget deliberations nitong Miyerkules.

Subalit, binanggit ni Regino na inaasahang magagamit ang Tala station sa Caloocan City, maging ang San Jose station sa San Jose del Monte, Bulacan,sa 2026 at sa 2027, sakaling walang mangyaring pagkaantala.

“‘Yung San Jose station ang best case scenario po natin is 2027. We’ll extend [it] to 2028 on a worst case scenario,” pahayag ni Usec. Regino.

Binubuo ang MRT-7, may habang 22 kilometro, ng 14 istasyon:

  • Quezon North Avenue Joint Station

  • Quezon Memorial Circle

  • University Avenue

  • Tandang Sora

  • Don Antonio

  • Batasan

  • Manggahan

  • Doña Carmen

  • Regalado

  • Mindanao Avenue

  • Quirino

  • Sacred Heart

  • Tala

  • San Jose del Monte

Kapag fully operational na, inaasahang mababawasan ng MRT-7 ang travel time mula Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan sa 35 minuto na lamang, na may tinatayang 300,000 pasahero sa unang taon nito. RNT/SA