Home HEALTH 100 Pinoy namamatay araw-araw sa TB – WHO

100 Pinoy namamatay araw-araw sa TB – WHO

MANILA, Philippines – Nasa 100 Filipino ang namamatay sa tuberculosis (TB) araw-araw, ayon sa Global Tuberculosis Report 2024 ng World Health Organization (WHO).

Sinabi sa report na nananatiling isa ang Pilipinas sa walong bansa na may pinakamaraming kaso ng tuberculosis sa 739,000 kaso ang naitatala kada taon.

“Hundred people die per day, and that is 38,000 deaths every year,” ani Tom Hiatt, WHO Technical Officer on Tuberculosis.

Aniya, ang Pilipinas ay kasama rin sa top five countries na kabilang sa 56% ng global total na 10.8 milyon.

Kasama rito ang India (26%), Indonesia (10%), China (6.8%), Philippines (6.8%) at Pakistan (6.3%).

“Most of the global increase in incident cases between 2022 and 2023 reflects population growth,” sinabi ni Hiatt.

Sa global perspective, nasa kabuuang 8.2 milyong katao ang iniulat na newly diagnosed na may TB noong 2023, pagtaas mula sa 7.5 milyon noong 2022, at 7.1 milyon noong 2019.

“Those newly diagnosed in 2022 and 2023 probably included a sizeable backlog of people who developed TB in previous years, but whose diagnosis and treatment was delayed by COVID-related disruptions,” sinabi pa sa report. RNT/JGC