Home METRO 100 taong puno ng acacia bumagsak sa 2 sasakyan

100 taong puno ng acacia bumagsak sa 2 sasakyan

TAYTAY RIZAL- Bunsod ng malakas na hanging dulot ng Tropical storm Aghon, nabuwal ang halos 100 taong puno ng acacia na bumagsak sa dalawang sasakyan noong Linggo sa bayang ito.

Batay sa report, bandang alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente habang nasa gitna ng mesa noong Linggo sa loob ng Minor Basilica of John the Baptist, Taytay Rizal.

Ayon kay Rizal Governor Rebecca Ynares, nakaparada sa parking lot ng simbahan ang isang puting van at isang berdeng SUV nang mabagsakan ng puno ng acacia dahilan para mayupi ang mga ito habang wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.

Pinaniniwalaan namang itinayo ang punong acacia noong 1830s base na rin sa kuhang larawan sa loob ng nabanggit na simbahan. Mary Anne Sapico