MANILA, Philippines- Arestado ang isang lalaki na inireklamo ng panggagahasa sa isang 14-anyos na high school student sa Binondo, Maynila.
Kinilala ng MPD-Delpan Police Station 12 ang suspek na si alyas “Dencio” ng Brgy. 275 sa Parola, Binondo.
Sa salaysay ng biktima, natutulog siya sa bahay ng kanyang kasintahan na anak ng suspek, nang bigla siyang maalimpungatan at makita na inaabuso na siya.
Nang magkaroon ng pagkakataon ang biktima ay agad na nagreklamo sa pulisya na agad naman itong tinugunan na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa follow-up operation.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 8353 ang suspek sa Manila Prosecutors Office. Jocelyn Tabangcura-Domenden