Home NATIONWIDE Mga kababaihan ‘di punching bag – solon

Mga kababaihan ‘di punching bag – solon

MANILA, Philippines- Kinondena ng Gabriela Women’s Party (GWP) ang dinanas na physical abuse ni DJ Jellie Aw sa kamay mismo ng kanyang fiancé kasabay ng paggiit na hindi dapat pinalalampas ito ng mga kababaihan at magkaroon ng boses laban sa mga pang-aabuso.

Kaugnay nito, nanawagan si GWP 1st nominee Sarah Elago sa mga awtoridad na imbestigahan ang kaso ni Jellie Aw at panagutin si Jam Ignacio.

“Women are not punching bags. No woman should have to endure abuse, yet many continue to suffer in silence due to fear, stigma, victim-blaming, and the lack of effective support systems,” pahayag ni Elago.

Pinuri rin ni Elago si Jellie Aw sa kanyang katapangang lumantad at ipaalam ang kanyang dinanas gayundin ang katiyakan nitong pananagutin ang fiance.

“Her courage sheds light on the harsh realities many women face. Sa isang lipunang madalas ipinapataw ang sisi sa kababaihan, ang pagsasalita ni DJ Jellie ay isang matapang na paglaban sa kultura ng karahasan, pananahimik, at kawalang pananagutan,” wika ni Elago.

Umapela si Elago sa mga kababaihan na nakararanas ng kahalintulad na sitwasyon ni DJ Jellie na umaksyon at wakasan ang kanilang nararanang pang-aabuso. Gail Mendoza