Home NATIONWIDE 100K pabahay sa Pampanga matitirahan na sa 2024

100K pabahay sa Pampanga matitirahan na sa 2024

466
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na posibleng mahigit 100,000 bahay na itinatayo sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Project ang matatapos na at magamit ng mga benepisyaryo sa susunod na taon.

“In next year, sa tingin namin na may madedeliver na bahay talaga, na nakatayo, more than a hundred thousand by next year, kasi ‘yung iba nagtatayuan pa,” ani Acuzar sa reporters.

“‘Yung iba kasi, mayroong 12-storey, 25-storey. Pagka 25-storey, umaabot ng almost two years. Pag 12-storey, almost one year and a half,” ani Acuzar.

Nilalayon ng 4PH na magtayo ng isang milyong housing units taun-taon hanggang 2028 para matugunan ang backlog ng pabahay sa Pilipinas.

Sa tanong tungkol sa mga hamon na kinakaharap sa pagtatayo ng mga bahay, sinabi ni Acuzar na mahirap para sa kanila na maghanap ng mga idle lands kung saan itatayo ang mga unit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here