Home NATIONWIDE Grupong magbanbantay sa BSKE 2023 handa na!

Grupong magbanbantay sa BSKE 2023 handa na!

MANILA, Philippines – Naghahanda na rin ang church-based poll watchdog para sa pagdaraos ng October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni Arwin Serrano, national coordinator ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), na nasa kalagitnaan sila ng paghahanda ngunit hindi nila inaasahan na ganap na ipakakalat ang kanilang mga poll body watchers.

Ayon kay Serrano, kasalukuyan ang kanilang paghahanda ngunit hindi kasing bigat sa midterm elections.

Pagdating sa poll watching ay malaking posibilidad na hindi nila mapununan ng 100 porsiyento.

Aniya tinitignan nila na mangalap ng humigit-kumulang 250,000 boluntaryo para sa nalalapit na barangay at SK elections.

Ang bilang ay mas mababa kaysa sa mahigit 400,000 boluntaryong idineploy noong nakaraang taon ng presidential at vice presidential elections.

Nabanggit din ni Serrano na ang pagbaba sa bilang ay dahil marami sa mga boluntaryong ito ay may mga link sa mga kandidato.

Sinabi pa ni Serrano na sa panahon ng BSKE, ang bilang ng kanilang boluntaryo habang sinusuportahan nila ang kanilang mga kamag-anak, kapitbahay, o kaibigan na tumatakbo sa halalan

“With PPCRV being non-partisan, they will have to go on leave as our volunteers,” dagdag pa ng opisyal ng poll watchdog group .

Sa kabilang banda aniya ay aasa na lamang sila sa mga regular na mamamayan sa panahon ng botohan

“Given our limited personnel, our volunteers will just need to go on roving,” dagdag ni Serrano.

Ang PPCRV ay isa sa mga accredited citizens’ arm groups ng Commission on Elections (Comelec) sa May 2022 polls. Jocelyn Tabangcura-Domenden