Home ENTERTAINMENT Sharon, masama ang loob sa TAPE, Inc.!

Sharon, masama ang loob sa TAPE, Inc.!

Manila, Philippines – Sa guesting ni Sharon Cuneta sa bagong noontime show nina Tito at Vic Sotto, at Joey de Leon na E.A.T. ay sinabi niya na masaya siya na bumalik na sa ere ang TVJ. Pero masama ang loob niya sa Tape Inc. dahil sa hindi magandang treatment nito sa TVJ.

Sabi ni Sharon, “Karangalan ko pong narito ako dahil bumalik sa ere ang ating show ng TVJ.

“Pero talagang sumama ang loob ko dahil dapat inalagaan kayo.

“Ayoko ‘yung pinagdaanan ninyo. You didn’t deserve that.”

Pagkarinig ng sinabi ni Sharon, nag-butt-in si Joey. Sabi niya, “Away ito, away ito!”

Natatawang sagot ni Sharon sa kanya, “Hindi naman, kalmang-kalma nga ako.”

Sabi pa ni Sharon, mayroon mang ibang noontime show sa bansa ay iba pa rin ang saya at pagmamahal na naibibigay ng TVJ at legit Dabarkads sa kanilang manonood.

“Maraming shows sa noontime ang may kanya-kanyang nagmamahal pero iba pa rin ang pagmamahal sa mga kasama ng TVJ at Dabarkads.

“So, huwag nating pababayaan na mawala ang kaligayahan ng taumbayan.” Rommel Placente