MANILA, Philippines – Nasa 101 porsyento sa lungsod ng Navotas ang nabakunahan para sa Chikiting Ligtas 2024 the nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) spearheaded ng Department of Health.
Una ang lungsod ng Navotas sa ibang mga lungsod sa CAMANAVA na nakamit ang target.
Nakapagtala ang City Health Office ng 16,062 kabataan na na-immunized laban sa polio sa lungsod.
Ang 661 sa mga ito ay may edad 0-23 months habang 15,401 ay 24-59 months of age at ang mga batang ito ay nakalaan upang mabigyan ng immunization matapos na hindi mabigyan at makatanggap itong nakalipas na taon.
Samantala, hinikayat ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang ng mga bata na pabakunahan ang mga ito laban sa poliovirus na potentially debilitating disease na nakakaapekto sa spinal cord at muscles at delikado ito sa mga bata na may edad 5 taong gulang pababa.
“The polio vaccine is safe and effective. Let us ensure that our children are protected from vaccine-preventable diseases by making sure that their immunization is updated,” ani Tiangco.
Wala pang gamot laban sa polio at vaccination lamang ang pansamantalang solusyon upang mapigilan ang posibleng paglabas nito.
Patuloy ang Chikiting Ligtas campaign hanggang May 15, 2024 habang magpapatuloy rin ang Routine vaccines sa city health centers. R.A Marquez