Home METRO 1,077 durugista, P25-M droga timbog sa Central Luzon drug war

1,077 durugista, P25-M droga timbog sa Central Luzon drug war

214
0

BULACAN, Philippines – Nasa mahigit P25,000,000.00 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Central Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa report ng Police Regional Office 3 (PRO3), ikinasa ang operasyon sa naturang rehiyon mula Nobyembre hanggang Nobyembre 30.

Lumabas sa report na aabot sa 724 anti-drug operations ang isinagawa ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na probinsya at nagresulta sa pagkakaaresto sa 1,077 drug personalities.

Nabatid na nakumpiska ng 3,676.116 grams ng shabu na may halagang P24,997,588.80 at 1,390.774 grans ng marijuana na halagang P166,892.88 na umabot sa mahigit P25 milyong piso.

Ang mga nakumpiskang iligal na droga at lahat ng suspek na nahaharap sa kaukulang kaso ay napagalag dinala sa mga himpilang humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here