Home NATIONWIDE 1,085 dayuhang pugante nalambat ng BI noong 2023

1,085 dayuhang pugante nalambat ng BI noong 2023

MANILA, Philippines- Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na umabot sa 1,085 na dayuhang pugante ang kanilang naaresto noong taon 2023 bunsod na din sa inilunsad nilang all-out war laban sa mga dayuhang pugante na nagtatangkang pumasok o manatili sa bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang mga opisyal at ahente na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga wanted na kriminal na nagtatangkang gamitin ang Pilipinas bilang kanilang taguan.

Sinabi ni Tansingco na ang hakbang ay bilang suporta sa panawagan ng Department of Justice (DOJ) na i-secure ang mga hangganan laban sa mga indibidwal na nagbabanta sa pambansang seguridad.

Aniya, ang fugitive search unit (FSU) ng BI ay may malapit na koordinasyon sa mga dayuhang pamahalaan para makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga dayuhang kriminal sa bansa.

“BI’s system at the ports of entry and exit are likewise connected with the interpol, further adding a layer of protection against undesirable aliens attempting to enter the Philippines,” ani Tansingco.

Noong 2023, inaresto ng BI ang 128 pugante na sangkot sa iba’t ibang kaso sa kanilang sariling bansa. Karamihan sa mga naaresto ay mga South Korean at Chinese national, na iniulat ng kanilang mga awtoridad na sangkot sa mga kaso tulad ng pandaraya at iba pang ilegal na aktibidad.

Iniulat ng BI ang pag-aresto sa 1,085 na dayuhang mamamayan noong 2023, kabilang ang ilang mga high-profile na kaso tulad ng 4 na Japanese fugitive na sangkot sa marahas na krimen sa Tokyo, isang Sudanese na lalaki na sangkot sa organ trafficking, at isang Mongolian high official wanted para sa katiwalian.

Ibinahagi din ni Tansingco na mahigit 3,300 alien ang hindi pinasok matapos matuklasan na hindi wastong dokumentado, blacklisted, o may kahina-hinalang layunin na makapasok sa bansa gayundin ang iba pang paglabag sa imigrasyon.JAY Reyes

Previous articleDigong naghayag ng suporta para kay Quiboloy
Next articleGMA, tablado kay Bitoy!