Home ENTERTAINMENT GMA, tablado kay Bitoy!

GMA, tablado kay Bitoy!

Manila, Philippines- Asang-asa ang mga netizens na bilang kapalit ng nawala nang Tahanang Pinakamasaya sa GMA ay programa ni Michael V ang kanilang mapapanood.

Bukod ito siyempre sa mga existing shows ni Bitoy.

For many years now, patuloy na nag-eexist at namamayagpag ang kanyang Bubble Gang at Pepito Manaloto.

May hand din si Michael V sa creative aspect nito.

‘Yun nga lang, hopeful netizens are in for a huge disappointment.

“Tablado” kasi ang kanyang home network sa comedic genius!

Ang kahilingan naman kasi ng mga netizens ay base sa naging hosting stint noon ni Bitoy sa Eat Bulaga.

Naging bahagi siya nito mula 2004 hanggang 2016.

Aniya, ang dahilan daw ng kanyang pagbibitiw noon ay sa dami ng kanyang trabaho.

Hindi na aniya kakayanin pang maglaan ng isip na kurtado na nga being the content creator behind his two existing shows.

Kinlaro niya ito nang mag-renew siya ng kontrata sa GMA kamakailan.

For the record, Michael V has been with GMA for 28 years.

Ni sa hinagap daw ay hindi niya naisip umalis o lumipat sa ibang istasyon.

Hanggang sa huling araw daw ng kanyang buhay sa larangan ng entertainment ay mananatili siyang Kapuso.

Eh, ‘di wow! Ronnie Carrasco III

Previous article1,085 dayuhang pugante nalambat ng BI noong 2023
Next articleNOW ‘di pa suko sa petisyong pagpapawalang-bisa ng alituntunin sa bagong major telco