MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes na ang target availability na 10,000 doses ng African swine fever (ASF) AVAC live vaccines sa ikatlong linggo ng Agosto.
Nauna nang inihayag ng DA na posibleng dumating ang emergency procurement ng mga bakuna na nilalayong tugunan ang ASF resurgence sa Batangas sa Setyembre.
“Hopefully, in the next two weeks available itong emergency purchase ng bakuna. Bagamat 10,000 doses pa lamang, malaking tulong ito,” pahayag ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa sa isang panayam.
Hanggang nitong Biyernes, 38 barangay sa Calatagan, Lian, Lipa City, Lobo, Rosario, San Juan, Talisay, at Tuy ang nakapag-ulat ng ASF cases, base sa DA.
“Almost 40 barangays iyong nagkaroon agad ng ASF sa walong bayan ng Batangas, medyo mabilis ito. Kaya’t nag-utos agad si Secretary Kiko (Francisco) Tiu Laurel Jr., kailangan nilang magdagdag ng checkpoints na mayroon sila ngayon para mapigilan,” wika ni De Mesa.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng agarang vaccine rollout sa halos 1 milyong hog population sa nasabing probinsya.
“That’s practically 10 percent of the existing hog population na mayroon tayo sa buong bansa. And it’s very important na we need to protect the remaining hogs,” wika ni De Mesa, binanggit din ang depopulation ng 1,523 baboy sa mga apektadong lugar.
Nagsisilbi ang Calabarzon region, saklaw ang Batangas, bilang ikalawang pinakamalaking ng bansa ng karneng baboy kasunod ng Central Luzon. RNT/SA