MYANMAR – Sinabi ng Myanmar ethnic militia na naghahanda na ito sa deportasyon ng 10,000 katao na sangkot sa cyber scams sa lugar.
Nagsulputan kasi ang mga scam compound sa border ng Myanmar at Thailand kung saan kinukuha ang mga dayuhan para makapanloko.
Ang mga manggagawang ito ay pinipilit sa pagtatrabaho.
“We have announced to get rid of all scams from our soil. We are now implementing it,” pahayag ni Karen Border Guard Force (BGF) spokesman Major Naing Maung Zaw.
“We have made a list and are prepared to transfer about 10,000 people (to Thailand),” dagdag niya.
Ang deportation ay gagawin araw-araw sa 500 katao kada grupo.
Nagpadala na ang BGF ng 61 katao sa border bridge patungong Thailand at naghahanda nang ipasa ang “about 500 people including many different nationalities” araw-araw.
Nakipag-ugnayan na ang military task force na may tungkulin sa border security sa Tak province ng Thailand, sa BGF leaders na tanggapin ang nasa 7,000 manggagawa mula sa scam compounds. RNT/JGC