MANILA, Philippines- Inaasahan na ng gobyerno na mahigit sa 10% ng milyong populasyon ng bansa ang apektado ng matinding weather conditions at natural calamity.
“Dahil hindi pa tapos yung pagtugon natin doon sa mga naunang bagyo tuloy tuloy itong papasok na bagyong Pepito karagdagan lang sa ongoing operations natin kaya sa kabuuan kung gagawin natin total numbers were are preparing for 10 million affected individuals,” ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Executive Director Ariel Nepomuceno sa The Saturday News Forum.
“So kailangan ganun ‘yung pagpaplano natin kasi doon din magbabase kung gaano karami yung halimbawa yung family food packs, hygiene kits, medical kits,” dagdag niya.
Tinanong kasi si Nepomuceno kung ilang katao ang maaaring maapektuhan ng Bagyong Pepito.
“Ngayon for the appreciation of everyone ilan ba ‘yung kakayanan natin sa buong bansa from the uniformed services. Ibig sabhin from the Army, PAF, Navy, including PCG at BFP. Sa kabuuan yung tinatawag nating SRR teams sa buong bansa meron tayong 1,282 SRR (search, rescue, and retrieval) teams. Sa kabuuan niyan meron tayong for this 13,857 personnel dedicated dito sa ating sunod sunod na bagyo,” ang sinabi ni Nepomuceno.
Sa ulat, pumasok ng Philippine Area of Responsibility si Pepito nitong Huwebes at nag-landfall sa Catanduanes nitong Sabado ng gabi, ayon sa PAGASA.
Umaabot naman sa 13,857 personnel ang ipinakalat para sa disaster response at relief operations kabilang na ang 1,282 search at rescue teams.
Nabatid na nasa 11,448 pamilya o 35,335 katao ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers matapos ang pananalasa ng nagdaang mga bagyo.
“Tapos na dapat tayo sa paghuhulaan o aasa tayo na sana malusaw ‘yong bagyo, sana huwag dumaan, sana hindi malakas ‘yong ulan na dala – itigil na po natin ‘to; doon tayo mapapahamak. Mas maganda bago dapat ang ating attitude. Doon tayo sa paghahanda sa posibleng pinakamalalang posibilidad na epekto ng bagyo,” dagdag pa ni Nepomuceno. Kris Jose