Home METRO 11-anyos na estudyante natagpuang patay; posibleng ginahasa!

11-anyos na estudyante natagpuang patay; posibleng ginahasa!

MANILA, Philippines- Isang grade 6 student ang naaagnas na nang matagpuan sa isang masukal na lugar na hinihinalang ilang araw nang patay simula nang mawala at hindi na umuwi ng kanilang bahay at posibleng ginahasa sa Gen. Trias City, Cavite.

Base sa nakalap na report, ang 11 taong gulang na babae ay isang grade 6 student na residente ng isang barangay sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, alas-11 ng umaga, habang nagunguha ng panggatong ang isa sa mga residente roon ay nakita nito ang biktima na halos hindi na makilala dahil sa naagnas na kalagayan nito habang nakataas ang damit at nakababa ang naman ang pambaba nitong kasuotan.

Napag-alaman na ilang araw nang nawawala ang biktima.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen para sa agarang ikadarakip ng suspek na hanggang ngayon ay laya pa. Margie Bautista