Home NATIONWIDE Easterlies iiral sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies iiral sa ilang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan ang silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa easterlies.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang easterlies sa Davao Region.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm ang inaasahan sa Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga dahil pa rin sa naturang weather system.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC