Home NATIONWIDE 11-buwang sanggol natagpuang patay sa loob ng sako sa QC

11-buwang sanggol natagpuang patay sa loob ng sako sa QC

71
0

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang 11 buwang sanggol sa loob ng isang sako sa bahay sa Ilang-Ilang Street, Barangay Pasong Putik Proper, Quezon City.

Iniulat ng 26-anyos na babae sa mga awtoridad noong Mayo 29 na ang batang kanyang inaalagan ay dinukot ng dalawang lalaki, kung saan ang isa ay ama umano ng sanggol.

“Yung alaga niyang bata na 11 months is may dalawang lalaking kumuha. Ayon sa kanyang kwento, kukunin daw niya yung kanyang anak kasi ayaw ipakita ng nanay,” sinabi ni Police Station 16 commander Police Lt. Col. Timothy Aniway Jr.

“Kinuha, nilagay sa balikat, tinalukbungan ng itim na jacket, then umalis sila,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, pinasinungalingan ng mga awtoridad ang pahayag ng babae matapos na walang makitang ebidensya laban sa dalawang lalaki, batay sa CCTV footage sa lugar.

Ang ina ng sanggol na nasa abroad ay nagsabi rin na ang ama ng biktima ay nasa probinsya at ang bata ay nasa pangangalaga ng pinsan ng asawang babae.

Kalaunan ay bumalik sa bahay ang mga awtoridad ngunit hindi na pinagbubuksan ng pinto ng babae ang mga ito.

“Nung pagbukas, may amoy na. May naamoy na kami. Hanggang sa tinanong namin siya, ‘Wala ka bang naamoy?’ Napaiyak siya, sabi niya nandoon sa taas yung bata,” sinabi ni Aniway.

Nang umakyat ang mga pulis at natagpuan ang katawan ng sanggol na nasa loob ng isang sako.

Sinabi ng suspek na ibinalibag umano ito ng limang taong gulang na kapatid sa pader noong Mayo 29.

Nang bitbitin niya umano ang sanggol ay aksidente niya naman itong naihulog saka inilagay ang katawan sa loob ng plastic bag bago ilagay sa sako.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Nahaharap ang suspek sa reklamong murder ant perjury. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here