MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 11 crew members ng lumubog na motorbanca sa Occidental Mindoro.
Sa pahayag ng PCG, agad na natagpuang ang MBCA God’s Grace 9 sa 2 nautical miles west ng Ambil Island, Looc matapos makatanggap ang distress call ang may-ari ng banka mula sa knya g mga crew.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakasagupa ng bangka ang malalaking alon habang patungo sa Calatagan, Batangas at natamaan ng hindi pa batid na bagay, na nagdulot ng dalawang talampakan na butas sa gilid ng starboard.
Sa kabila ng mga pagtatangka ng mga tripulante na lagyan ng basahan at plywood ang pinsala, ang pagbaha sa loob ng bangka ay naging sanhi ng kalahating paglubog nito.
Ang PCG ay nagpapaalala sa lahat ng mga marinero na regular na inspeksyunin ang kanilang mga sasakyang-dagat para sa seaworthiness at mag-ingat, lalo na kapag naglalakbay sa mapanghamong kondisyon ng dagat. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)